Diyos ko po! Hindi ako makagising-gising kaninang umaga. Eh pano ba kasi, 3a.m. na ako nakakatulog gabi gabi. Ang rami kasi ng kailangang tapusin eh. Meron kaming mahabang pagsusulit sa Religion at MAPEH, impromptu speech na dapat paghandaan, takdang aralin si Filipino, pagsusulit din sa Chinese History. Nako po! Mababaliw na ako sa dami ng ginagawa ko. Araw-araw nalang ako bangag! Haha. Buti nalang at wala kaming pasok bukas! Makakatulog narin ako ng mahabahaba! Zzz..
Kanina nag stay kami sa eskwelahan dahil may ensayo daw para sa mga officers. Grabe, sabi nila 4 p.m. yung simula tapos 6:30 p.m. naman daw matatapos. Pagpunta namin sa auditorium, ang init sobra. Lahat ng tao kalat-kalat. Ang gulo. Di namin lahat alam kung anong gagawin.
Tapos bigla nalang may nagsalita sa microphone. Nag-announce lang ng ilang mga reminders. Pagkatapos nun ay pinaalis na kami. Sayang sobra oras ko! Sana umuwi nalang ako sa bahay ng mas maaga. Ang init init pa kasi hindi binukas yung aircon.
Haha. Alam ko na ang arte arte ko. Ehh.. kasi naman eh. Init lamig init lamig yung panahon dito sa Pinas.
Ang sipag ko ngayon mag-update ng aking mga blog. Wala kasi ang mga magulang ko ngayon. Kaya walang mangungulit sa akin na ipatay na ang kompyuter at mag-aral.
Kain ako ng kain buong araw. Ewan ko ba, para na akong baboy. Ang almusal ko eh Kellog’s Cereal. Tapos kain ako ng kain habang nag-aaral, naglalaro at naglalakad. Halos maubos ko na ang buong supot. Haha. Oink oink. Oh sige, alis na ako.
Bad trip ako kanina. Hindi ko alam kung ano yung eksaktong dahilan kung bakit.
Pinagawa kami ng parang proyekto ni Sir Clemente. Meron kaming sari-sariling mga pangkat. Ayun, lahat ng miyembro, maliban ako, ay may ginawa. Nakatunganga lang ako doon ng parang tanga. Hindi ako galit sa kanila. Naiinis lang ako bakit hindi ako makatulong-tulong. Nakaharang kasi yung isang ka-miyembro ko eh. Kaya hindi talaga ako makatulong. Buti nalang na may ginawa rin ako noong oras ng kainan namin. Kung hindi, sobrang makokosensya ako. Siguro iniisip nila na napakawalang kwenta akong tao.
Okay naman ang mga nangyari pagkatapos nun. Gumaan na ang aking pakiramdam.